News

Kaso ng hand, foot and mouth disease sa Sampaloc, Quezon tinututukan

Nagtulong-tulong ang Rural Health Unit, mga guro at magulang sa Sampaloc, Quezon upang maiwasan ang pagdami ng tinatamaan ng hand, foot and mouth disease.

Nagsagawa ang mga ito ng disinfection sa mga eskwelahan matapos may maitalang kaso ng sakit sa bayan.

Ayon sa DOH, ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga bata at nagdudulot ng lagnat, rashes, mga sugat sa kamay at paa, gayundin sa labi at dila.

Naililipat ito sa pamamagitan ng mga droplets o direktang kontak sa mga discharge ng ilong, laway, dumi, at likido mula sa mga pantal ng isang nahawaang indibidwal.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Rural Health Unit ang mga kaso ng tinamaan ng sakit at mga taong nakasalamuha nito.

Sa huling datos ng Municipal Epidemiology and Surveillance Unit nitong Huwebes, nasa 11 suspected cases ang kanilang iniimbestigahan.

Samantala, nagsasagawa na rin ang mga guro ng information drive sa mga paaralan hinggil sa mga sintomas ng hand, foot and mouth disease, gayundin kung paano mapipigilan na kumalat ang sakit.

Pin It on Pinterest