Panukalang 2 araw na “menstruation leave” kada buwan, Mabuti raw sa Kababaihan
Hindi maganda sa pakiramdam at mahirap daw kumilos at labis na nakakaabala sa pagtatrabaho bilang isang Sales Lady ang pakiramdam ni Loida sa tuwing may buwanang dalaw o menstruation kung minsan nga raw hindi siya nakakapasok sa trabaho at kailangang ipahinga ang masamang pakiramdam na inaabot pa ng dalawang araw.
“Mahirap lalo’t kapag may ano ka kapag masakit ang puson, kapag akoy inaatake hindi talaga ako makatrabaho e, inaabot ako ng 2 days kapag masakit talaga ng aking puso’’, sabi ni Loida.
Ganito rin ang pakiramdam ng iba pang kababaihan, sa tuwing may buwan ng dalaw halos hindi makapagtrabaho.
‘’May time na ang sakit ay parang naglalabor and then nandiyan din yung sumasakit ang ulo mo,” sabi ni Maria Chistina .
“Mahirap lalo na kapag nasabayan ng balakang masakit minsan may ano din ‘yung legs kaya mahirap talaga, hindi makapag focus minsan mapapahawak kanalang sa puson mo’’, ang sabi ni Mary Christyl.
Isang panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso ang isinusulong na bigyan ng dalawang araw na “menstruation leave” kada buwan at 50% na “daily remuneration” o kabayaran ang mga babaeng empleyado sa pribado at pampublikong sektor sa tuwing makakaranas ng buwanang dalaw.
Ipinanukala ito ni Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Taliño-Santos na layuning isa-alang-alang at suportahan ang kalusugan ng mga kababaihan, at magpalaganap ng kaalaman hinggil dito.
Bagay na sang-ayon ang maraming kababaihan.
“Para marelax yoong ano mo, yung mga duming dugo mailabas.”
Sana lang daw maging ganap itong batas
‘’Malaking tulong po sa amin lalo na sa mga nakakaranas ng dysmenorrhea sana maisabatas”, ayon kay Maria Chistina.
Ayon sa mambabatas na nagpanukala nito ang usapin ng pagreregla ay “social taboo” pa rin, gayung maraming kababaihan ang nakakaranas ng sakit kapag dinadatnan kaya hindi makatutok ng mabuti sa trabaho.
Ang konsepto umano ng menstruation leave ay hindi naman bago at katunayan ay may ganito nang pribilehiyo sa Japan, South Korea, Taiwan, Indonesia at iba pang bang bansa.