News

Kauna-unahang Floating Restaurant sa Lucena City, Bukas na sa mga Turista

Bukas na sa mga turista ang kauna-unahang floating restaurant sa Lucena City. Maaari nang ma-enjoy habang kumakain sakay ng balsa ang mga tanawin sa tabi ng ilog at ilang coastal area ng Lucena City, habang binababaybay ng nasabing floating restaurant.

Proyekto ito ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Tourism Office na konsepto ng alkalde ng Lungsod Roderick Alcala.

Noong February 14, 2022, opisyal na itong pinasinayaan. Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Alcala, sa isang pahayag sa harap ng mga bisita mula sa LGU, ilang negosyante at iba pa. Ang unang floating restaurant ng Lucena City ay ipinagmamalaki ng alkalde, mas maganda raw sa mga floating restaurant ng Bohol kung saan hinango ang konsepto.

Sinabi ng alcalde na plano itong gawing economic enterprise.

“Pagkatapos na ito’y maging economic enterprise, kung hind kaya ng Lungsod ng Lucena, mag-iinvite po tayo ng mga lokal na negosyante, na makapagpatayo din ng tinatawag na restaurant.”

Hindi lang tanawin at mga pagkain ang ma-e-enjoy habang tumatakbo ang floating restaurant, isang acoustic music rin daw ang mapapakinggan at may stop over rin para sa mga cultural presentation. Plano pa itong mas pagagandahin na lalong mag -aangat sa turismo ng lungsod na siya na namang magbibigay ng dadag kabuhayan sa ilang residente ng Barangay Barra, Ransohan at Salinas, mga Coastal barangay na mayaman sa seafood na posibleng ihain sa mga turista.

“Ang souvenir item natin puwedeng dito rin magmula. Ang mga pagkain na lulutuin puwedeng doon din magmula, hindi lamang ‘yan ‘pag may mga stop na gagawin ang ating floating restaurant, may mga buhay na seafood tayong mabibili, hindi lang pang travel, ibig sabihin ito po ay isang pa raw domino effect, iikot ibig sabihin magkakaroon tayo ng livelihood” Sa ngayon iisa palang ito, pero plano raw madagdagan. Ang pagkakaroon ng floating restaurant sa Syudad ng Lucena ay matagal na raw na pangarap ng alkalde mula ng siyang mahalal bilang Ama ng Lungsod. Upang Makita ng mga turista ang iba pang natatagong ganda ng syudad at matikman ang masasarap na pagkain sa Lungsod ng Lucena habang sakay ng Floating Reastaaurant na noo’y sa ibang lugar lang mararanasan, ngayon maging sa Lucena na na rin.

Pin It on Pinterest