News

Tren ng PNR Biyaheng Lucena-San Pablo Vice-versa, Operational Na

Opisyal nang binuksan ng Philippine National Railway sa publiko ang biyahe ng tren mula  Lucena City hanggang San Pablo, Laguna Vice-versa.

Matapos itong pasinayaan noong February 14  sa Lucena City Station ni DOTr  Sec. Arthur Tugade at ni PNR Gen. Manager Jun Mago. Maaari nang sumakay sa bagong bagon at tren ng PNR ang mga lucenahin at mga kalapit na lugar patungong San Pablo ganun din ang mga mangagaling ng San Pablo patungong Lucena, tinatayang higit isang oras ang magiging biyahe. Naglagay na rin sa nasabing station ng fare matrix o takdang pasahe ng mga pasaheto tungo sa kanilang destinasyon.

Personal na inispekyon ng kalihim ng DOTr ang mga riles na daanan ng tren. sumakay si Tugade sa tren upang masubakan ang mga daan at mismong tren. Bumiyahe sila paikot ng Barangay Salinas sa Lucena City, wala pang tatlumpong minuto nang makabalik sila sa istasyon ng Lucena.

Sa naging pagpapasinaya sa pagsisimula ng naturanng biyahe, pinasalamatan ni Sec. Tugade si Mago dahil sa mahigit 20 taon muling nagkaroon ng biyahe ng tren sa Lucena patungong Laguna na lalo pang pahahabain  hanggang sa rehiyon ng Bicol.

Dumalo sa opisyal na pagbubukas ng biyahe ng tren ng Lucena – San Pablo vice versa ang mga kinatawan ng LGU Lucena at San Pablo. Bago ang ribbon cutting para sa bagong bagon at tren, isang tradisyunal na pagpapakalimbang sa 128-year-old na bell ng PNR ang ginawa hudyat ng pagbubukas muli ng mass transportation sa pamamagitan ng tren. Ito raw ay magbubukas upang mapalakas ang kalakalan at paglago ng ekonomiya at maginhawang pagbiyahe ng publiko.

Pin It on Pinterest