News

‘Bangka Ko, Gawa Ko’ inilunsad sa Catanauan, Quezon

Ilang mangingisda sa bayan ng Catanauan, Quezon ang nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes, Enero 10.

Sa ilalim ng programang ‘Bangka Ko, Gawa Ko’ ng DSWD, napagkalooban ang nasa 20 napiling dalawampung (20) benepisyaryo ng mga bago makina ng bangka.

Layon daw ng nasabing programa na makapagbigay ng mga pangunahing kagamitan na kakailangan sa paghahanapbuhay ng mga mangingisda.

Mismong si Mayor Ramon Orfanel ang nanguna sa pamamahagi ng mga makina sa mga benepisyaryo, kasama Tanggapan ng Pambayang Pagsasaka.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang ito ay makapagpapataas ng kita mga mangingisda sa pamamagitan ng dagdag lawak ng kanilang mapupuntahan na maaaring mapangisdaan.

Pin It on Pinterest