News

Konsehal Manong Nick, binigyang-diin ang kahalagahan ng pamilya ngayong selebrasyon ng National Family Week

Binigyang-diin ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr., sa kanyang pribilehiyong pananalita ang kahalagahan ng bawat pamilya ngayong selebrasyon ng National Family Week sa isinagawang regular na session ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena nitong Lunes, September 25.

Ang National Family Week ay ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng buwan ng Setyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 60, series 1992.

Sa temang “Pamilyang Pilipino: Pagtugon sa Nababagong Pananaw at Panahon”, na naka-angkla sa tema ng 2023 International Day of Families na: “Demographic Trends and Families”, ang pagdiriwang umano ngayong taon ay magbibigay-diin sa kamalayan sa megatrend ng demograpikong pagbabago at ang epekto nito sa bawat pamilya.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes, Setyembre 22, ang pagsuspinde ng trabaho sa Executive Branch nitong Lunes mula alas 3:00 ng hapon, Setyembre 25, para umano magkaroon ng oras ang mga empleyado na makasama ang kani-kanilang pamilya at ipagdiwang ang Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Ipinagdiriwang ang National Family Week tuwing huling ingo ng Setyembre.

Pin It on Pinterest