News

Third Saturday of April sa Bayan ng Infanta, deklaradong Solo Parents’ Day, ordinansa Pasado na

Deklarado sa bayan ng Infanta, Quezon na Solo Parents’ Day ang ikatlong Sabado sa buwan ng April taon-taon.

Ang ordinansa hinggil dito ay pinagtibay at inaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Matapos dumaan sa komitibang pagdinig ng Social Welfare na pinamamahalaan ni 2nd District of Quezon Board Member Vinnette Alcala-Naca ang Municipal Ordinance no. 016 Series of 2023 of the Municipality of Infanta, Quezon entitled “An Ordinance Declaring Third Saturday of April of Every year as Solo Parents’ Day in the Municipality of Infanta Quezon Providing Funds Therefor and For other Purposes” sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon umaga ng September 26. Unanimously approved ang naturang ordinansa.

Ito ay isang linggong selebrasyon sa naturang bayan para sa mga solo parents. Sa naturang bayan may 800 rehistradong solo parents. Ang pondo na gagamitin sa selebrasyong ito ay magmumula sa lokal na pamahalaan.

Pin It on Pinterest