News

Samahan ng mga magsasaka sa San Francisco, Quezon, sumailalim sa pagsasanay at tumanggap ng P1-M kagamitan

Limampung Agrarian Reform Beneficiaries ng Butangiad Farmers Association Incorporated (BAFA Inc.) mula sa San Francisco, Quezon ang nagtapos ng apat na buwang pagsasanay sa Sustainable Corn Block Production.

Ang nasabing pagsasanay ay nasa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP)- Major Crop based na inisyatiba ng Department of Agrarian Reform upang palakasin ang pundasyong kaalaman ng mga agrarian beneficiaries sa pabagu-bagong klima at kung paano makayanan ang lagay ng panahon gamit ang sustainable climate resilient farming technologies.

Kasunod nito, tumatanggap din ang samahan ng ilang mga farm machinery at equipment na nagkakahalaga ng Php 1 milyong piso na kinabibilangan ng multi-tilling machine, sprayer at iba pa na makakatulong sa kanilang pagsasaka.

Tinaggap ni Limnard C. Luna, president ng BAFA Inc. at nangako na gagamitin at pangangalagaan ang mga makinaryang ito. Binanggit din nito na susubukan ng samahan ang iba pang ventures gamit ang mga ibinigay na kagamitan para madagdagan ang kita ng mga miyembro.

Bukod sa graduation rites at paggawad ng mga makinarya, anim (6) na e-titles na may tinatayang lawak na 15 ektarya ang ipinamahagi din sa ilang member-beneficiaries sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.

Pin It on Pinterest