News

Brgy. Market View, kampeon sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards sa kategorya ng Highly Urbanized City

Tinanghal na kampeon ang Barangay Market View sa Lungsod ng Lucena sa katergoryang Highly Urbanized City. Pinasalamatan ni Kapitan Edwin Napule ang Department of the Interior and Local Government Unit o DILG sa patuloy na patnubay at pagbibigay ng kaalaman upang magampanan nang maayos ang tungkulin partikular sa Katarungang Pambarangay. Pinasalamatan din niya ang DILG Lucena sa pangunguna ni Director Engr. Danilo Nobleza at Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pangunguna ni Mayor Roderick Alcala sa patuloy na paggabay upang patuloy na mapabuti ang pagseserbisyo publiko.

Ayon kay Napule, malaking karangalan ang mapabilang sa Lupon Tagapamayapa Incentives Awards – Regional Level. Binati rin niya ang lahat ng lumahok at nabigyan ng parangal. Samanatala, tinanghal ding kampeon ang Brgy. Molino 3 sa Lungsod ng Bacoor, Cavite para sa Component Cities, Brgy. Santa Catalina Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon para 1st hanggang 3rd Class Municipalities at Brgy. Sintorisan sa bayan ng San Antonio, Quezon para naman sa kategoryang 4th hanggang 6th Class Municipalities.

Pin It on Pinterest