News

Vaccination Rate ng Brgy. 2 sa Lucena City Nasa 90% Na

Patuloy ang ginagawang pag-iikot ng mga opisyal sa Barangay 2 sa Lungsod ng Lucena upang masinop sa pagkalap ng mga datos para sa mga residente nilang vaccinated at unvaccinated kontra COVID-19.

Ito ang sinabi ni Kapitan Enrico De Los Rios sa panayam ng Bandilyo.ph

“Ngayon po ang ginawa ko po lahat po ng kagawad na may hawak po ng every purok, sila po ‘yung umiikot, iniikot po nila at ang makuha po nila na data binibigay po nila sa ating secretary, ini-encode po at ito po ay sina-submit every day,” ani Kapitan Enrico De Los Rios.

Dahil dito, ayon kay De Los Rios, halos 90 porsiyento na ang nababakunahan kontra COVID-19 sa kanilang lugar.

“Mataas po ang percentage baka po mga 90+ po ‘yan kasi kung iikutin po natin at magtatanong lahat po sila ay dahil po sa liit na rin ng barangay at kami po ay halos araw-araw kaming umuuli at kagawad at every purok naman po ay mayroon,” saad ni Kapitan Enrico De Los Rios.

Sa ngayon ay booster shot na lamang ang inaantay ng mga residente sa nasasakupan.

Patuloy naman ang paglista nila sa mga residente na hindi pa nababakunahan at pinayuhan ang mga gustong magpabakuna na pumunta lamang sa kanilang barangayhall upang matulungan sila.

Pin It on Pinterest