News

Kooperatiba, Malaki ang Puwang para sa Pangangailangan ng mga Mamamayan -Manong Nick Pedro

“Ang laki-laki ng puwang ng ganitong kooperatiba para sa pangangailangan ng ating mamamayan,” ito ang naging pahayag ni Konsehal Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. nang makapanayam ang CEO ng isang kooperatiba sa lungsod ng Lucena sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

Sinabi nito na malaking bagay ang ginagampanan ng mga kooperatiba dahil nagsisilbi itong katuwang ng pamahalaan sa higit na pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan.

Dagdag pa ng konsehal na hindi lang dapat kooperatiba ang tumutulong kundi dapat tumutulong din ang mga mamamayan sa mga ito.

“Sapagkat yan ay give and take. Kung napapatronize natin ang mga pribadong negosyo, bakit hindi natin i-patronize din ang ating kooperatiba upang higit pa itong lumaki, higit pang umunlad?” ani Konsehal Manong Nick.

Sapagkat ang pakinabang aniya ng mga ganitong klaseng organisasyon ay ibinabagi sa mga mamamayan.

Ayon pa kay Manong Nick na importante na hindi masiraan ng loob ang mga kooperatiba lalong-lalo na ang mga miyembro nito sa kabila ng kanakaharap na problema tulad ng pandemya.

Pin It on Pinterest