Koopnaman, Patuloy Pa Din sa mga Social Services Kahit sa Gitna ng Pandemya
Tuloy-tuloy pa rin sa pagtulong ang Kooperatiba.
Ito ang pahayag ng CEO ng Koopnaman Multipurpose Cooperative, Isabel Bico sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.
“Tuloy ‘yun, ‘yung sa aming ‘yun, hindi kami tumitigil dun kahit na itong pandemic na ito ay tuloy-tuloy kami dun” ayon kay Bico.
Dagdag pa ni Bico na naka-focus daw sila ngayon sa mga badjao sa Brgy. Barra, Lucena City.
“Sa ngayon naka focus din kami dito sa mga badjao sa Barra (sa Lucena City)” ayon kay Bico.
Ayon pa sa CEO ng Koopnaman na patuloy rin daw ang kanilang brigada sa mga eskwelahan kung saan may mga miyembro ng Kooperatiba na nagdo-donate ng school supplies.
Samantala, noong nakaraang taon naman daw sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ay mga nangangalakal ang kanilang tinulungan upang maging miyembro sa Koopnaman.
Sinabi din ni Bico na hindi dahil kumikita sila ng kaunti ay titigil na, tuloy-tuloy pa rin daw ang kanilang mga programa dahil parte ito ng kanilang pagtulong.