Suporta ni Mayor Dondon Alcala Malaking Tulong sa mga Residente ng Purok Rosal II, Barangay 10
Pinasalamatan ni Arnel Magbanlac, Kapitan ng Barangay 10, si Mayor Dondon Alcala dahil sa tulong at suporta natanggap para sa isinagawang housing project sa kanilang barangay.
Ayon kay Magbanlac, kahit singko ay wala silang binayaran sa isinagawang survey at sukat sa lupa dahil sa tulong ng alkalde.
“Nag-baba na rin po ang ating butihing mayor, kahit na singko wala silang babayaran doon sa gagawin nating free survey at sukat ng kanilang lupa,” ayon kay Magbanlac.
Dagdag pa ng kapitan, walang interes ang babayaran ng 25 household na may 45 na pamilya na nakatira.
Aniya, kung magkano lang daw ang inilaan na pondo sa pagbabayad ay yun lang din ang paghahatian ng mga nakatira doon.
“Kung magkano po ang ilalaan natin na halaga doon sa binayaran natin sa BDO, yun lang po talaga ang kanilang babayaran, wala po itong patong, walang interest, basta’t ‘pag naandyan na po at nabayaran natin sa bdo kung magkano po yung halaga nito yun lang po talaga ang paghahati-hatian ng 25 household na nakatira doon” ayon kay Magbanlac.
Sinabi rin ni Magbanlac na hindi nagdalawang isip si Mayor Dondon Alcala na gawan ng paraan ang problemang ito.
Aniya, malaking pagkakataon ang ibinigay ng alkalde para sa mga nakatira doon.