News

470 benepisyaryo ng Buenavista, Quezon natanggap ang payout mula sa cash-for-work program

Isinagawa ang dalawang araw na Cash for Work Payout para sa mga napiling benepisyaryo ng programang Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP CCAM DRR) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng Bueanavista, Quezon.

Nagtalaga ang kagawaran ng halos dalawang milyong piso para sa proyektong ito na naglalayong matulungan ang mga komunidad na madalas makaranas ng sakuna dulot ng epekto ng climate change.

Ang financial aid sa bayan ng Buenavista ay tinanggap ng 470 benepisyaryo na nagmula sa 8 barangay. Ito ay ipinamahagi sa pamamagitan ng Cash for Work Scheme. Ipinatupad ang nasabing proyekto sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, katuwang ang MSWDO.

Sa ilalim rin ng proyektong ito, nakapagtanim ng higit dalawanpu’t walong libo na mga Industrial Crops/Fruit Bearing Trees at nakapagpagawa ng 10 Communal Gardens na matatagpuan sa iba’t-ibang barangay.

Ang proyektong ito ay naglalayon na magkaroon ng pagkakaisa ang pamayanan sa pangangalaga at pagbabantay ng kalikasan upang paghandaan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Pin It on Pinterest