News

Kultura at kasaysayan, pangunahing dahilan sa pagbisita ng mga turista sa Quezon

Mayaman sa kultura at kasaysayan ang lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Quezon Provincial Tourism Officer Nesler Almagro, ito ang pangunahing dahilan sa pagbisita ng mga turista sa lalawigan.

Batay sa datos ng tanggapan, higit kalahating porsyento sa pakay ng mga turista sa Quezon ay ang kultura nito at kasaysayan. Kabilang aniya dito ang may kinalaman sa faith o pananampalataya, pagkain at heritage.

Ayon kay Almagro, sa katunayan ay bayan ng Lucban ang most visited tourist destination sa lalawigan na nakapag-generate ng halos 2 milyong tourist arrival katumbas ng halos kalahating porsyento sa lalawigan.

“45.7% of our same-day tourist arrival from Lucban, Quezon and this is because of Kamay ni Hesus. Kapag titingnan natin ang statistics ng tourism natin ay talagang ang target market o pinupuntahan talga sa ating lalawigan ay faith and wellness”.

Sinabi din ng tourism officer na karamihan dumadayong turista sa Quezon ay tuwing ikalawang quarter ng taon kung kailan punong-puno ng festival sa probinsya at panahon ng Semana Santa.

Ayon pa kay Almagro na nagkaroon na din significant’ increase sa bilang ng tourism arrival sa lalawigan simula 2021-2022 matapos maapektuhan ng pandemya.

Ang pag-uulat ng Provincial Tourism Office sa Sangguniang Panlalawigan ay kaugnay sa isinusulong na pagbuo ng tourism code ng Quezon.

Pin It on Pinterest