News

Vice Mayor’s League of the Philippines Quezon Chapter, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Atimonan

Personal na nagtungo ang Vice Mayor’s League of the Philippines Quezon Chapter para mamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng sunog sa Brgy. Zone 1 Poblacion – Leon Guinto Boulevard ng bayan ng Atimonan, Quezon nitong Miyerkules, April 12, 2023.

Namahagi ang naturang samahan ng food packs. Nakatanggap din ang mga nasalanta kada pamilya ng P2,000 na tulong-pinansyal bilang bahagi ng Outreach Program.

Ang food packs ay naglalaman ng kape, biscuit, de lata, sabong panlaba, tuwalya, kumot at tote bag na siyang tinanggap ng mga biktima ng sunog.

Ginanap ang pamamahagi sa 2nd floor ng Atimonan National Agency Center, Brgy. Zone 1 Poblacion ng bayan.

Matatandaan nitong April 3, isang sunog ang sumiklab sa nasabing lugar, 12 bahay ang tinupok ng apoy kung saan 25 pamilya ang naapektukhan sa insidente.

Pin It on Pinterest