News

Lalaki patay sa pamamaril sa Candelaria, Quezon

Dead on the spot ang isang lalaki sa bayan ng Candelaria, Quezon matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem criminals.

Nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi noong Lunes Agosto 28 sa unang araw ng papapatupad ng election gun ban at paglalatag ng mga Comelec checkpoint.

Kinilala ang biktima na si Rico Abrenica Alvis, 45 anyos, isang tricycle driver.

Batay sa report ng Candelaria PNP, sakay ng single na motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang salarin habang binabagtas nito ang Maharlika Highway sa Brgy. Malabanban Norte ng nasabing bayan. Kaagad itong nasawi matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang mga suspek, mabilis na tumakas. Anim na basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang nakuha sa crime scene.

Ang biktima batay sa pulisya ay dati nang naaresto sa kasong may kagnayan sa iligal na droga at pag-iingat ng armas na walang dokumento.

Ang pangyayari ay patuloy pang iniimbistigahan at inaalam kung sino ang mga salarin.

Pin It on Pinterest