News

Grupo ni Kap. Reil Briones ng Talao-Talao, Lucena City naghain na ng COC

Sa unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy para sa Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay Election, umaga ng August 28, 2023 dagsa sa Lucena City Commission on Election (COMELEC) ang maghahain ng kani-kanilang mga kandidatura.

Sa unang araw marami na ring mga incumbent barangay official ang kaagad na nag-file ng kanilang mga COC kabilang dito ang buong grupo ni Barangay Talao-Talao Kapitan Reil Briones.

Kasama ang kanilang mga tagasuporta at kapamilya, pasado alas 11:00 ng umaga nang dumating sila sa COMELEC. Ang buong grupo ay sama-samang nagpatala para sa opisyal na paghahain ng kanilang mga kandidatura.

Bago sila tumungo sa Lucena City COMELEC, isang misa ang kanilang dinaluhan.

Ayon kay Kapitan Briones, may puso, mahusay at matinong paglilingkod ang patuloy na hangad ng kanilang grupo sa kanilang komunidad tungo sa higit na pag-unlad.

Sa tanong na kung anong klaseng kampanya ang kanilang ihahain sa kanilang mamamayan sakaling magsimula na ang campaign period sabi ng kapitan dapat walang girian, walang siraan, kampanya ng mga tunay na mga nagawa at gagawin pa sa komunidad, isang tungalian na tao ang tunay na panalo.

Samantala sa unang araw ng filing, naghain na rin ng mga kandidatura ang mga nagnanais na maging lider-komunidad sa malalaking barangay sa Lucena City. Tatlong kandidato sa pagkakapitan sa Barangay Gulang-Gulang ang naghain na ng kanilang kandidatuta, 2 na nakapag-file sa barangay Ibabang Dupay.

Ang mga maghahain ng kandidatura sa kani-kanilang barangay ay matigang nag-antay sa COMELEC.

Magtatagal ang filing ng COC hanggang sa September 2 ngayong taon at nakatakda ang halalan sa October 30 ng kasalukuyang taon.

Pin It on Pinterest