News

Lalaking ilegal na nagpapataya ng STL sa Lucena City, arestado

Arestado ang isang hinihinalang “bookies” na lalaki dahil sa iligal na operasyon ng STL sa Lungsod ng Lucena nitong Martes ng hapon, October 3.

Nakilala ang suspek na si Remerick Mancenido Apuya, 39-anyos at residente ng Venus St., Jael Subd., Brgy. Ilayang Iyam ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, huli sa aktong nangongolekta ng taya si Apuya.

Ayon sa report ng pulisya, nabigong magpakita ng I.D. na mula sa Pirouette Gaming Corporation na lisensyadong operator ng STL sa lalawigan.

Nakumpiska sa suspek ang listahan ng mga taya, pera at ilang kagamitan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o An Act Increasing The Penalties for Illegal Numbers Game, Amending Certain Provision of Presidential Act 1602 and for Other Purposes.

Pin It on Pinterest