News

LGBT Sportsfest isinagawa sa bayan ng Sto. Tomas

Isinagawa sa bayan ng Sto. Tomas sa Lalawigan ng Batangas ang kaunaunahang LGBT Sportfest. Dinaluhan ng LGBT communita ay iba’t ibang sektor ng lipunan at opisina ng pamahalaang lokal ng Sto. Tomas ang okasyon. Ang sportsfest ay natapat din sa ikatlong taon ng pagkakatatag ng LGBT organization sa bayan ng Sto Tomas, na United Gay and Lesbian Association. Nagpahayag ng pagsuporta si Sto. Tomas Mayor Edna Sanches inorganisang aktibidad ng gay community at sinabi nitong pinapahalagahan ng pamahalaang lokal ang kontribusyong naiaambag ng mga ito sa pagpapaunlad ng kanilang bayan. Nagbigay naman ng mga papremyo ang pamahalaan para sa mga nagwagi sa iba’t ibang palaro na isinagawa sa aktibidad.

Kamakailan lamang ay nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang Pamahalaang panlalawigan ng Batangas. Nagmula naman sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Lalawigan ang nagsidalo at ipinakita ang kanilang suporta sa LGBT Community.

Pin It on Pinterest