News

LGU Pagbilao, pinarangalan ng Gawad Kalasag Seal of Excellence Award

Tumanggap ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao, Quezon ng Gawad KALASAG Seal of Excellence Award mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG dahil sa may sapat na kahandaan at maagap na pagtugon sa mga sinalanta ng kalamidad.

Personal itong tinanggap nina Mayor Gigi Portes at MDRRMO Delfin Magana ang nasabing pagkilala bilang isang FULLY-COMPLIANT Municipality sa ilalim ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices Category para sa taong 2022 na ginanap sa The Manila Hotel.

Ang pagkilala ay ibinigay ng DILG sa mga Munisipyo na may sapat na kahandaan pagdating sa pagresponde sa mga kalamidad at hindi matatawaran ang kanilang maagap na pagtugon sa mga sinalanta ng bagyong Paeng.

Pin It on Pinterest