News

LGU-Quezon, namahagi ng ‘Emergency Shelter Assistance’ sa Mulanay

Ipinamamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang Emergency Shelter Assistance o ESA para sa mga pamilyang napinsala o nasira ang tirahan sa bayan ng Mulanay, Quezon dahil sa paghagupit ng bagyong Paeng kamakailan.

Ang ESA ay programang ipinatutupad ng LGU-Quezon upang matulungan ang mga residente nito para makabili ng mga kinakailangang materyales sa pagsasaayos ng mga nasirang tahanan dulot ng nagdaang bagyo.

Nasa 1,019 na Mulanayin ang makakatanggap ng payout mula sa 27 barangay ng Bayan ng Mulanay.

Ang naturang bayan ang isa sa mga bayan sa Lalawigan ng Quezon ang lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Ayon sa Mulanay MDRRMO, tinatayang nasa P16, 930, 000 ang napinsal ang kabahayan sa munisipalidad, samantalang nasa P365, 272, 044 ang kabuuang damage na iniwan ng bagyo mula sa mga pananim, imprastraktura, pangisdaan at iba pa.

Pin It on Pinterest