News

Libreng sakay ipinagkaloob ng mga kooperatiba sa Lucena City ngayong araw

Pinangunahan ng Cooperative Division at ng Lucena City Cooperative Development Council o LCCDC ang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena nitong Lunes ng umaga.

Sinabi ng hepe ng Cooperative Division na si Nimfa Arias na ngayong araw ng Lunes ay mayroong libreng sakay para sa mga Lucenahin na ipinagkaloob ng Transport Cooperative.

Ito’y bilang bahagi ng Cooperative Month 2023 ngayong buwan ng Oktubre.

Ang tema ng pagdiriwang ngayon ay “Cooperatives: Pioneering the Path to Recover Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security”.

Maliban sa libreng sakay na ipinagkaloob ng naturang kooperatiba may community program din silang inilunsad at tinawag itong #Coop Bag of Love.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng tulong at suporta ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa bawat kooperatiba ng siyudad sa higit na pagpapaunlad maging ng mga miyembro nito tungo sa isang direksyon ang magkaroon ng “One Rich Cooperatives”.

Pin It on Pinterest