News

LTOPF and Firearms Registration Caravan, isinagawa sa Atimonan, Quezon

Nagsagawa ng One Stop Shop License To Own and Possess Firearms o LTOPF and Firearms Registration Caravan, sa bayan ng Atimonan, Quezon.

Sa pangunguna ni Konsehal Antonio Diestro sa pakikipagtulungan na rin ng Atimonan Municipal Police Station, idinaos ang nasabing Caravan sa Bulwagang Balagtas sa naturang bayan.

Layunin ng nasabing caravan na isulong ang responsableng pagmamay-ari ng baril at ang patuloy na pagpapatupad at kampanya ng pambansang pulisya ukol sa “Oplan Katok”.

Isa rin itong oportunidad sa mga gun owner na mapadali ang pagpaparehistro ng kanilang baril maging ng renewal nito, na hindi na nila kailangan pang magtungo sa ahensiya.

Tiniyak naman na sumailalim sa 6 na hakbang sa pagkumpleto ng proseso ng kanilang pagpaparehistro ang gun owners.

Nasa 108 ang nakapag-aplay sa nasabing gun registration at sumailalim din sila sa Gun Safety Seminar sa pamamahala ng Regional Civil Security Unit.

Pin It on Pinterest