Lucena City Public Market, Sumisigla na ang Bentahan.
Sumisigla nang muli ang pamilihan sa Lucena City Public Market.
Ito ang pahayag ni Lucena City Public Market Administrator, Mr. Noel Palomar sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick.
“Medyo umaangat na po tayo, sumisigla na pong muli ang ating public market.”
Dagdag pa ni Palomar, “dahil medyo po maluwag na tayo dito na dati po mahigpit ang pagpapapasok natin dito, kelangan naka face mask, face shield, ngayon po ay basta maayos ang pagkakalagay ng face mask at nasusunod ang social distancing.”
Ayon pa sa Administrator ng pampublikong pamilihan ay sinisigurado pa rin daw nilang nasusunod ang safety and health protocols. Panawagan naman ni Palomar sa mga mamamayang Lucenahin na tangkilikin ang palengke ng lungsod upang matulungan ang maninindahan at para umikot ang pera sa lungsod at gumalaw ang ekonomiya.