Lucena rerouting kasado na sa Undas
Tiniyak ni Lucena City Traffic Chief Jaime De Mesa na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga security measure at traffic rerouting scheme sa lahat ng kalsada na patungo sa nasasakupang sementeryo ng siyudad bilang paghahanda sa nalalapit na All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Sisimulang isara sa motorista ang mga kalye sa November 1 hanggang November 2 mula alas 6-ng umaga partikular sa Gomez Street patungong Old Cemetery, mula Mabuhay lumber hanggang Dalahican Road at iba pa.
“From Gomez St. in going to Old Cemetery straight ahead po ‘yun, kung tricycle po kayo edi hihinto po ‘yung tricycle sa may Petron dito sa Mendeja, ‘yung tricycle pong ito ay dito gagawa ng terminal pansamantala dito po sa Mabuhay lumber dito sa rough road kung nakikita niyo na tatawid po dun, ‘yun pong mga jeepney driver natin straight ahead in going to Dalahican road para ho don sa ating apat na sementeryo don”.
Itatalagang parking areas ang DPWH 2nd District at kahabaan ng tapat ng SPU sa kaliwang bahagi para maging maayos ang daloy ng trapiko.
“Parking area po, ‘yun pong DPWH ay requested namin ng ating City Administrator ng ating Chief of Police na si Col. Reynaldo Reyes na magkaron po tayo ng parking sa loob ng DPWH kung napuno na po ito meron din po kaming reserved parking doon sa kahabaan ng SPU o Dalahican Road ‘yung tapat po na kaliwang bahagi”.
Pinapayagan naman ang mga tricycle driver na maghatid sa mga sementeryo kapag ang sakay ay mga Senior Citizen, Person’s with Disability o PWD at may sakit.
Ipinagbabawal naman ang lahat ng maninidahan sa kahabaan ng Dalahican Road lalo na sa harapan ng mga sementeryo.
Sa kabila nito, bumuo si Mayor Mark Alcala ng Oplan Undas Task Force na kinabibilangan ng mga tauhan ng Lucena City Police, City Health Department, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, mga barangay official at ilang concerned department na poposte sa mga sementeryo.