News

Lungsod ng Lucena isa sa mga mauunang lugar na magkakaroon ng libreng internet Access

Isa ang Lungsod ng Lucena sa mga lugar na maaaring mauna ang paglalagay ng libreng internet access sa mga pampublikong lugar. Ito ang sinabi ni Senator Bam Aquino sa eksklusibong panayam ng Bandilyo TV. Ayon kay Aquino mayroong lima hanggang sampung taong roll out period ang DICT o Department of Information and Communications Technology para maibigay ang libreng internet access sa mga kababayang Pilipino sa buong bansa. Dahil itinuturing na anyang isang malaki at maunlad na lungsod ang Lucena ay mas malamang anya na isa ito sa mga muunang lagyan ng libreng internet access. Nilinaw naman ni Aquino na bagamat may mga mauunang lugar para dito ay tiyak na hindi mapag-iiwanan ang iba pang bayan at lungsod dahil may mandato anya ng batas ang pagkakaroon ng wifi o internet access sa mga pampublikong lugar.

Ang Republic Act No. 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Act ay pinirmahan na ni Pangulong Duterte noong Agosto Dos ngayong taon. Base sa batas, ang mga pampublikong lugar katulad ng mga opisina ng nasyunal at lokal na ahensya ng pamahalaan, public basic education institutions, SUCs at TESDA institutions, pampublikong ospitalm health centers, mga parke, plaza, barangay reading centers, mga airport at pantalan maging mga terminals ay lalagyan ng libreng internet access para sa publiko. Nakasaad din sa batas hindi maaaring i-access ang mga malalaswang content mula sa internet.

Pin It on Pinterest