Mag-Asawa sa Lucena City, Tagumpay sa Hydroponic Farming
Buwan ng Marso taong 2020 sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID-19 nang magsimula sa Hydroponic Farming ang mag-asawang sina Jaquilyn at Ronniel Pagkaliwagan sa kanilang bakuran sa Purok Baybayin, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City. Nagsimula lang noong sa anim styrobox ang tanim nilang Lettuce, ngayon mas marami na at mas malawak, umabot na sa 300 metro k’wadrado ang kanilang Hydro Farm na mayroon naring iba’t ibang variety ng lettuce.
Ayon kay Jaquilyn Pagkaliwagan ay “mayroon kaming iba’t ibang variety, ‘yong lettuce namin ay lollo bionda, mayroon din kaming romaine, red lettuce at lollo rosa.”
Kuwento pa nito, sa gitna ng pandemya nang ma-lockdown sa Lucena ang kanyang mister at pansamantalang nahinto sa pagtatrabaho bilang isang technical support personnel sa isang factory sa Laguna ay dito na sila nagsimula sa hydroponic farming na ngayon ay kanilang ikinabubuhay.
“During Pandemic ‘yong asawa ko ay na lockdown dito, dati mayroon kaming maliit lang na styro, anim na styro lang ‘yun tapos nagpost kami online, pumatok s’ya parang kakaiba, nakakabuhay na ng lettuce dito. ‘Yong ipon naming ginawa naming outcome na mapagawa ito large scale na ganito. Mula noon nag start na kaming magtanim hangang ngayon ok naman, nakatulong s’ya sa amin kasi ‘yong aming extra na income, kasi ‘yong aking asawa dati ay nagtatrabaho sa Laguna. Nag-resign na rin s’ya kasi hindi ko na kayang i-handle gawa ng dalawa ng ‘yong green house namin, nakatulong s’ya sa amin kasi sa pang-araw araw kaya naman kaming buhayin.”
Bukod sa mga walk-in buyer, ilang may Samgyeopsal businesses sa syudad at kalapit na bayan ang bumibili na sa kanila ng mga Lettuce.
“Yong market po namin ay mga tao-tao lang, ‘yong iba ay mga Samgyeop-an, tsaka yong mga taga-Candelaria din at Sariaya minsan dito sila napunta, sometimes kulang ito sa mga tao-tao lang noong malaman nila at nakilala marami na rin ang nagwawalk-in,” dagdag pa ng ginang.
Sa ngayon marami na ang sumusubok ng ganitong uri pagtatanim.