News

Sakay ng mga Jeepney Nais nang Dagdagan ng mga Tsuper

Panahon na daw para kay Noel na isang Jeepney Driver sa Lungsod ng Lucena na dagdagan ang passenger capacity sa public utility vehicles o PUVs. Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

“Tama yan kasi ang mahal na ng krudo, magkanong sakay ko 1 lang hindi pwedeng pansalin P10,” pahayag ng isang tsuper.

Sinabi pa ng ilang drivers na makakatulong ang pagda-dagdag ng PUV passenger capacity sa mga commuter at maging sa PUV drivers at operators.

Ayon sa mga ito:

“Pwede na po kasi mahal ang krudo wala kaming kitain” ayon sa isa.

“Siguro panahon na dahil wala na kaming kinikita dahil sa pagtaas ng petroleum” ayon naman sa isa pang driver ng jeepney.

Sa ngayon, nasa 50% ang maximum capacity sa PUVs alinsunod sa itinalagang health and safety protocols ng Inter-Agency Task Force o IATF. Ireremokemenda naman ng Department of Transportation sa IATF na dagdagan ang capacity sa public utility vehicles. Tiniyak ng naturang tanggapan na ang irerekomendang dagdag na PUV passenger capacity ay ibabase sa technical at medical studies.

Pin It on Pinterest