News

Pasayahan Village Grand Opening, isasagawa bukas

Isasagawa bukas, May 2, 2023 ang Grand Opening ng Pasayahan Village sa Lucena City Government Complex na sisimulan sa isang Motorcade ng 4:00 ng hapon.

Ayon kay Arween Flores, City Tourism Officer na makikita dito ang Carnival Rides, Tiangge at madami pang iba.

“Ang bubukasan po natin bukas ay Pasayahan Village which will house the carnival rides, the tiangge and the events place, event center sa Pasayahan.”

Matutunghayan sa nasabing grand opening ang free live band at isang fireworks display.

Dagdag pa ni Flores, para naman sa mga commuters magkakaroon ng pick up point kung saan maaaring sumakay patungong Pasayahan Village.

“Nagkaroon po kami ng agreement na sila (DYODA) po ay sususporta sa Pasayahan Village sa pamamagitan ng paglalagay ng pick up point.”

Napagusapan din umano na regular fair ang sisingiling pamasahe patungong Pasayahan Village kahit gabi.

“Napagusapan naming ng Presidente Na yun pong lahat ng ruta na papunta doon ay regular fair po.”

Samantala, kaugnay nito inaasahan ng Lokal na Pamahalaan na magiging maayos, maganda at kakaiba ang pagdiriwang ng Pasayaha Festival 2023.

Pin It on Pinterest