News

Makinaryang pansaka, ipinamahagi sa General Nakar

Patuloy na binibigyang suporta at pagkilala ng bayan ng General Nakar sa pangunguna ni Mayor Esee Ruzol ang mga magigiting na magsasaka sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, kahapon April 27, 2023 personal na nagtungo ang Alkalde kasama sina Municipal Administrator Rosario Ruzol, MPDC Engr. Arnulfo F. Tena, EnP, MBA, at Municipal Agriculturist John Leo Tena, sa Bowa Demo farm kung saan ang Bowa ay ang gumagawa ng mga makinarya o Agricultural Machines and Equipment gaya ng forage chopper, multipurpose shredder or chipper at iba pa na siyang magpapabilis at makapagpapatipid sa pagsasaka.

Layunin nito na makapagbigay ng mga makabagong makinarya sa mga magsasaka, upang mas lalong mapaunlad ang sektor ng agrikultura at matulungan ang mga magiting na magsasaka na mapabilis ang kanilang mga gawain.

Kaugnay nito ang paglingap sa mga magsasaka at seguridad sa pagkain ay patuloy na bibigyang-pansin at tututukan ng Lokal na Pamahalaan sa bayan ng General Nakar.

Pin It on Pinterest