News

Pag-inom ng maraming tubig, panlaban ng marami sa Heatstroke

Ramdam na ng marami ang labis na init ng panahon kaya naman pinapaalalahanan ng Health Department ang lahat sa posibilidad ng Heatstroke ngayong tag-init.

Ang Jeepney driver na si Moises sa araw-araw na pamamasada sa ilalim ng sikat ng araw upang makaiwas sa Heatstroke laging katabi ang kanyang maliit na water jag na may lamang tubig maya’t maya raw siyang umiinom.

Si Mamang Karding, laging may bitbit na bote ng tubig katabi sa tuwing lalabas ng bahay.

Ang mga tricycle driver sinabing hindi daw aari sa pamamasada nila kung wala kang baon na tubig.

Labis raw ang init ngayon na nararamdama ng marami.

Paalala ng mga health expert, maaaring maiwasan ang heatstroke labis man ang init ng panahon kung iinom ng maraming tubig at paggamit ng mga pananggalang sa araw tulad ng sumbrero at payong.

Dapat din umanong limitahan ang pag-inom ng kape at mga energy drink ngayong tag-init na nakakapag-ihi upang maiwasan ang dehydration.

Ipinapayo ang paginom ng maraming tubig.

Pin It on Pinterest