Malakihang dagdag presyo sa langis, dismayado ang mga Tsuper
Matapos ang halos isang linggong bakasyon bunsod ng Semana Santa kung saan halos walang mananakay at mga pumapasadang jeepney.
Dismayado ngayon ang maraming Jeepney Driver sa Lucena City sa malakihang pagpapatupad ngayon ng dagdag presyo sa produktong petrolyo, wala na raw silang kikitain, paano pa raw sila makakabawi.
Sabi ng ilan, hindi kagaya noon may naiiuwi pa raw sila na kita sa kanilang pamilya sa maghapong papasada, ngayon halos pangkain nalang ang kanilang pinagpapaguran dulot ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.
Ayon pa sa ilang tsuper, kapag sumala sa biyahe, sa boundery nalang napupunta ang ipinamamasada, bagay na nakakadismaya.
2.60 pesos ang dadag presyo ngayon sa kada lito ng gasolina, 1.70 pesos naman ang taas presyo sa kada litro ng diesel. Ito na ang ikalawang sunod na malakihang taas presyo ng petroleum product.
Posible pa raw na tumaas ang presyo nito matapos na mabatid na ang Saudi Arabia at mga miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC ay nag-anunsyo ng production cut ng 1.16 million barrels per day para sa stability o pagpapatatag ng merkado.