News

Maliputo Festival ipinagdiwang sa bayan ng San Nicolas, Batangas

Ipinagdiwang noong isang araw ang Maliputo Festival kasabay ng pagdiriwang ng 60th Annuversary ng Pagkakatatag ng Bayan ng San Nicolas sa Lalawigan ng Batangas. Naging tampok na aktibidad sa festival ang Maliputo Cook Fest, nagpagalingan ang mga kalahok ng pagluluto ng isda na sa Lawa ng Taal at Pansipit River lamang makikita at nahuhuli. Malugod na tinanggap nina Mayor William Enriquez at Vice Mayor Peping Sandoval at mga miyembro ng sangguniang bayan ang mga naging bisita sa selebrasyon sina KABAYAN Party List Congressman Atty. Harry Roque, 3rd District Congresswoman Theresa Collantes, 3rd District Board Members Fred Corona at Devs Balba, Provincial Administrator Levi Dimaunahan, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, Provincial Information Office OIC Jenny Aguilera at Provincial Tourism Officer Atty Sylvia Marasigan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang Maliputo ay mula sa isdang Talakitok na nangingitlog sa “brackish water,” ng Pansipit River. Ang mga bagong pisang isda ay napupunta sa Balayan Bay, samantalang ang iba ay pumapasok sa Pansipit River hanggang sa makarating sa Lawa ng Taal. Ang mga isdang nakakaabot sa lawa ang tinatawag na Maliputo.

Pin It on Pinterest