PrimeWater Quezon Metro, tiniyak na walang water interruptions ngayong holiday season
Tiniyak ng pamunuan ng PrimeWater Quezon Metro na walang mangyayaring water interruptions ngayong holiday season.
Ayon kay Rodel Jaime, Customer Care Department Head ng PrimeWater Quezon Metro, patuloy ang kanilang pagsusuplay ng malinis na tubig sa mga concessionaires sa Lungsod ng Lucena at mga karatig-lugar hanggang pagsapit ng Bagong Taon.
Maliban aniya kung magkakaroon umano ng aberya ang kanilang tubo ng tubig.
“Tungkol po doon sa water interruptions, wala pa pong inilalabas na mensahe para po doon, wala pong naka-schedule na water interruptions. Ang hindi lang po natin inaasahan ‘yung mga emergency situation halimbawa ay bigla pong may nasirang tubo. Doon lang po kami magkakaroon agad ng announcement pero sa ngayon po wala po,” saad ni Jaime.
Binigyang-diin pa ni Jaime na kung ano raw ang normal na dumarating na tubig sa mga konsyumer ay hindi raw magbabago ito hangga’t hindi umano nagkakaroon ng aberya sa linya ng tubo.