News

Mayohan Festival sa Tayabas City, pormal nang binuksan sa publiko

Opisyal nang binuksan sa publiko ang Mayohan Festival 2023 sa Tayabas City.

Sa unang araw ng Festival tinunghayan ito ng maraming Tayabasin.

Bilang paanyaya sa mga lokal na turista, umaga ng May 5, 2023 sinimulan ang programa sa parada ng Baliskog na sumusimbolo sa pagtangap ng bisitang nais tunghayan ang produkto, tradisyon, kultura at sining ng Lungsod ng Tayabas na siyang sumasalamin sa Mayohan Festival.

Ipinarada ng iba’t ibang barangay ng syudad ang kanikanilang baliskog na ang lahat ng materyal na ginamit ay produkto mismo at makikita sa kanilang mga lugar gaya ng niyog, mais, mga gulay, bunga ng prutas at iba.

Ang baliskog ayon sa Tayabas City Mayor Lovely Reynoso-Pontiso ay simbolismo sa kanilang komunidad ng pagtanggap ng panauhin.

Nagkaroon din dito ng parada ng tagay, kilala ang Lungsod ng Tayabas sa kanilang masarap na lambanog o coconut wine bahagi ng kanilang kultura ang pagtagay o pag-imon ng lambanog.

Ang mga ito ay tinunghayan ni Regional Director Marites Castro ng Department of Tourism – CALABARZON at ni Nesler Almagro ang Provincial Tourism Officer ng Quezon Provincial Government at iba pang bisita.

Sa isang programa sa harap ng Parke Rizal iba’t ibang cultural dance ang ipinamalas ng mga mag-aaral na Tayabasin buhat sa iba’t ibang paaralan.

Bago pa man gawin ang ribbon cutting na pinangunahan ni Mayora Lovely Pontiso bilang hudyat na opisyal ng binubuksan sa lahat ang nasabing festival sa kanilang lungsod hindi magkamayaw ang marami sa pagdating ng artistang si Macoy De Leon, hindi maawat ang ilang kababaihan sa paglapit sa naturag celerity.

Tampok rin dito ang araw ng mga magsasaka kung saan nagkaroon ng libreng gupit sa mga ito atiba pang aktibidad.

Itinampok rin sa Parke Rizal ang iba’t ibang produkto at ani ng mga local farmers ng Tayabas City na lahat ay organic, mabibili ito sa murang halaga ang mga masasaka mismo ang silang nagbebenta.

Tatagal ang Mayohan Festival hanggang May 16, 2023, higit dalawang linggo ang mga aktibidad sa pagtatampok ng mga kasiyahan at bubusog sa mga tiyan sa iba’t ibang pagkaing gawa mismo sa kanilang lungsod ito ay magpapakita rin ng mayabong na kultura at kasaysayan ng lungsod ng Tayabas.

Pin It on Pinterest