News

Menor de edad, patay matapos malunod sa creek sa Lopez, Quezon

Patay na nang matagpuan ang isang menor de edad matapos umanong malunod sa creek sa Purok Ilang-Ilang Barangay Canda Ibaba sa bayan ng Lopez, Quezon nitong Martes, Nobyembre 1.

Ayon sa report ng Lopez Police, dakong alas 6:00 ng gabi nang inutusan ng kanyang ina ang biktima para bumili sa tindahan ngunit hindi na ito nakabalik.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang ina ng biktima para matagpuan ito.

Sa gitna ng kanilang paghahanap, dito na nila natagpuan ang menor de edad na wala nang buhay at pinaniniwalaang nalunod habang tumatawid sa creek.

Dinala naman biktima sa hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Pin It on Pinterest