News

Mga Barangay Peacekeeping Security Officers ng Brgy. Dalahican, sumailalim sa First Aid Training

Nasa 18 mga Barangay Peacekeeping Security Officers o BPSO ng Barangay Dalahican sa Lungsod ng Lucena ang sumailaim sa Basic First Aid Training.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ni Kagawad Luisito San Pascual, ang chairman ng committee on peace and order.

Ayon kay San Pascual, malaking tulong ang aktibidad na ito para sa pagtugon ng mga emergency services sa mga bahay at trabaho.

“Malaking bagay sir kasi doon namin napag-alaman na hindi komo ay may naaksidente diyan ay agada gad na dadamputin yung tao na kung saan may tama dapat po pala ay kinakailangang hintayin yung totoong ganong may alam sa mga pangyayari doon sa mga ganung pagkakataon”.

Layunin ng aktibidad na lalo pang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga BPSO sa nasabing barangay tungkol sa tamang pagresponde at upang maging handa at ligtas sa anumang darating na uri ng sakit o sakuna lalo na sa panahon ng pandemya.

“Kasi nga po sa lawak ng ating barangay ng Brgy. Dalahican sabi nga 9 na Purok kaya dapat po totoong sila ay mas madagdagan pa ang kanilang kaalaman kasi hindi lamang po sila dapat tawagin na Brgy. Police pero mas karapatdapat po pala na mas marami silang dapat na maging kaalaman pagdating po sa mga ganong pagkakataon”.

Sinabi pa ng Kagawad na isang mahalagang humanitarian act ang basic first aid skills lalo na’t hindi naman tiyak kung kailan ito kakailanganin.

Naging makabuluhan ang pagsasanay sa tulong nina Chapter President Ranger Rescue Team ng Tayabas Instructor na si Alfonso Villamayor at Dennis Albert Gonzales, Professor ng Manuel S. Enverga University Foundation, Criminal Justice and Criminology.

Pin It on Pinterest