News

Mga basura nakuha sa ilalim ng dagat

Iba’t ibang uri ng basura sa ilalim ng dagat sa isang barangagy sa Batangas ang nakuha ng mga Maritime PNP sa ginawa nilang Scubasurero.

Kamailan lang sumisid ang mga tauhan ng Batangas Maritime Police Station sa karagatang sakop ng Barangay Solo, Mabini Batangas upang magkaroon dito ng paglilinis.

Ang Bawat basurang nakita ng mga diver sa ilalim ng karagatan ay kinuha at inilagay sa sako.

Sa ilalim ng dagat ng naturang barangay samo’t saring basura ang kanilang nalikom.

Sa ilang oras na pagsisid hindi bababa sa apat na sakong basura ang kanilang nakuha at itinapon nila sa tamang basurahan ng nasabing barangay.

Ang mga basura sa dagat ay lubhang mapanganib umano sa marine species hindi lang banta sa kanilang mga buhay maging sa polusyon nito na makakasira sa kanilang natural na tahanan.

Ang aktibidad ay bahagi ng One-time bigtime PCRC Activities ng PNP Maritime Region 4-A sa pamumuno ni Pcol. Ariel Quilang.

Ang Scubasurero ay matagal na raw na ginagawa ng ahensya na layuning mabawasan ang mga basura sa ilalim ng karagatan kung saan sumisisid ang mga Maritime Police sa ilalim ng dagat upang kunin ang mga basura na mandato raw nila sa pangagalaga ng kalikasan.

Pin It on Pinterest