News

Road Clearing Operations sa Lucena City, mas pinaigting!

Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Lucena ang clearing operations upang maalis ang mga nakaharang sa kalye gaya ng ilegal na mga istruktura, ilegal na pagtitinda at ilegal na nakaparadang mga sasakyan.

“So ito po ay pinaigting namin dahil magkaiba po namin sa ating city ordinance tsaka po yung sinusunod namin na clearing operation ito po yung circular ng DILG at ito po ay sa atas ng City Director na si Engr. Danny Nobleza sa ating paglilinis ng ating kalungsuran.”

Pinangunahan ng Traffic Enforcement Section, Lucena City Police Station, Public Market Management Office, Lucena City Tricycle Franchising and Regulatory Office, City Engineering Office, City Mayor’s Office Personnel, City Administrator Office Personnel para sa nasabing aktibidad.

Isinagawa ang mga operasyon alinsunod sa atas ng DILG.

Ayon kay Traffic Chief Jaime De Mesa, samu’t saring mga paninda ng mga illegal vendor ang kanilang nakumpiska sa pinaigting na operasyon.

Aniya, ang mga nasisira o nabubulok na produkto sa kanilang nakumpiska ay personal daw na dinadala sa DSWD Reception and Action Center o RAC upang mapakinabangan ito ng mga bata habang ang iba’t ibang uri ng kagamitan ay mananatili sa kanilang pangangalaga habang iniintay ang tagubilin mula sa DILG.

“Sa araw araw po naming operasyon.”

“Sa kasalukuyan po itong pong mga naka-imbak sa atin dito na mga goods na mga hindi nabubulok ito po ay nag-iintay kami ng tamang instruction.”

Layunin nito na masiguro ang pedestrian at vehicular mobility, at access sa mga serbisyo publiko gamit ang mga pampublikong daanan at kaparehong imprastraktura” upang masiguro ang seguridad ng publiko.

Pin It on Pinterest