News

Pagtatayo ng bagong munisipyo ng Infanta,Quezon inihahanda na

Tinalakay sa naging pagpupulong nitong Martes ng lokal na pamahalaan ng Infanta, mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH at nanalong kontraktor ang isasagawang konstruksyon ng first phase o unang yugto ng bagong munisipyo ng bayan.

Iprinisenta dito ng DPWH Quezon 1st District Engineering Office ang detalye at magiging sakop ng 1st phase ng New Municipal Building.

Ang phase na ito ay nahahati sa dalawang (2) kontrata. Ang unang kontrata ay nagkakahalaga ng P50 milyon at tatakbo ng 290 calendar days o mahigit 9 na buwan, samantala ang ikalawang kontrata naman ay nagkakahalaga ng P25 milyon at tatakbo ng 270 calendar days.

Ipinaalala din sa pagpupulong sa kontraktor ang batas kaugnay sa pagkuha ng local humanpower o mga trabahador mula sa bayan upang magbigay ng karagdagang kabuhayan sa mga residente.

Sa January 24 ay nakatakda nang magkaroon ng mobilization ng mga equipment at humanpower ang kontraktor upang masimulan na nang tuluyan ang proyekto.

Samantala, puspusan na rin ang pagkilos ng LGU upang masimulan naman ang second phase nito.

Pin It on Pinterest