News

Enhance Kadiwa Project iikot sa mga Barangay ng Lucena City

Iikot sa iba’t ibang barangay ng Lucena City ang Enhance Kadiwa Project ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Lucena na pinangagasiwaan ng Office of the City Agriculturist.

Ilalapit nila sa mga residente ng barangay ng syudad ang mga murang bilihin na produkto mismo ng mga local farmer.
Sa programang ito sinabi ni Jirah Lou Merano ang Officer in Charge ng City Agriculture Office ng Lucena LGU hindi lang mga consumer ang magbibinepisyo nito maging ang lokal na magsasaka.

“Nakakulong po siya sa dalawa una po ay mabili po iyung produce ng farmers at the same time po yung ating mga kababayan makabili ng murang bilihin.”

Noong March 20, 2023 ng inilunsad sa Lucena City Kadiwa Project.

Nito lamang a-bente ng Abril, nagsimula na silang bumaba sa komunidad, sa Barangay 2 unang umarangkada.

Ang ilang residente ng lugar hindi pinalampas ang pagkakataon na makabili sila ng mga murang bilihin gaya ni nanay Rose.

‘’Mas mura dito kaysa sa palengke, Anong binili mo gulay? Gulay babalik pa nga ako bibili pa ako, hindi ko alam may ganito pala,’’ang sabi ni Rose na isag mamimili.

‘’May iba’t iba tayong kaparter na mga Farmers Association, Lives stock raiser, mga Vegetable Growers so sila na iyong nagtitinda talaga, mura dito kasi wala na yong middlemen,’’ ang sabi ni Ms. Editha Haway ang Evaluation Officer IV.

Ang Kadiwa Project ay isang grocery outlet na nagbebenta ng mga protukto gaya ng mga prutas, gulay, itlog, karne at iba pa sa mababang halaga kumpara sa mga pamilihan na ibinababa ngayon ng Agriculture Office ng lokal na pamahalaan sa mga barangay nito.

‘’Tinatarget pa natin yong mga urban areas kung saan medyo needs nila yung mga murang bilihin compaire sa mga rural areas .”

Pipilitin na sa loob ng tatlong buwan mababaan ng kadiwa project ng lokal na pamahalaan ang mga barangay sa Lucena City.
Umaasa ang tanggapan ng Agrikultura ng Lungsod na tatangkilikin ng publiko ang Enhance Kadiwa Project.

Pin It on Pinterest