News

Mga empleyado ng Gumaca LGU, prayoridad sa housing project

Kabilang ang mga kawani ng Gumaca local government sa mga benepisyaryo ng programang pabahay sa pamamagitan ng partnership ng LGU at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ayon kay Gumaca Mayor Webster Letargo, prayoridad ng kanyang tanggapan ang mga empleyado ng munisipyo na wala pang sariling tahanan sa itatayong paunang 500 hanggang 600 housing units.

Ayon pa sa alkalde na nakatakda nang lagdaan sa mga susunod na linggo ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang panig para sa pagpapatupad ng proyektong pabahay habang ang groundbreaking ay gagawin na din kasunod nito.

Ang bawat unit umano ay magkakaroon ng area na 23 square meters sa mid-rise (4 to 5 stories) condominium-style community, kung saan mayroong sariling kapilya at recreation area.

Bukod sa mga LGU employees, prayoridad din sa pabahay program ang mga guro at police personnel.

Ayon pa kay Letargo na ang bawat benepisyaryo ay magbabayad sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund ng buwanang amortisasyon na PHP2,300 para sa unit na kanilang makukuha.

Pin It on Pinterest