Mga Lucenahin, tiwala na gaganda ang buhay ngayon 2023
Maraming Lucenahin ang naniniwala na bubuti ang kondisyon ng kanilang pamumuhay ngayon 2023.
Isa na rito si Aling Adelaida na isang sidewalk vendor sa Lungsod ng Lucena, ayon sa kanya maganda raw kasi ang pasok ng bagong Taon sa kanya na nangangahulugang mas bubuti pa ang pamumuhay nila kasabay ng pagsisikap at pagtitiyaga.
“Nakapagpabahay ako eh, sipag at pagtitiyaga ay kailangan ay magtiyaga ka dahil mahal ang bilihin kailangan pagtiyagaan mo ang pagtitinda”.
Ganito rin ang saloobin ng ilan pang Lucenahin.
“Sana nga edi magsikap para gumanda sipagan hindi naman paano ka magkakaroon kung hindi ka magsisikap”, ayon kay Aling Procy.
“Pag gagawa kaba ng mabuti”, sabi ni Nanay Lita.
May 37 porsiyento naman ang nagsabi na walang magiging pagbabago, samantalang walong porsiyento ang walang naisagot.
Isinagawa ang survey noong nakaraang Disyembre 10 hanggang 14 at may 1,200 adult respondents.
Dumami ng apat na porsiyento ang mga nagsabing bubuti ang kanilang buhay kumpara sa naitala noong Oktubre.
Ito na rin ang pinakamataas matapos maitala ang +44 ilang buwan bago ang pagtama ng pandemya.