News

Mga Mag-aaral ng DLL Mas Malaki ang Magiging Oportunidad – Kuya Mark Alcala

Ibinahagi ni Kuya Mark Alcala ang plano niyang gawing development sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena upang mas makapagbigay ng malaking oportunidad sa mga mag-aaral nito.

Ayon kay Kuya Mark, nais niyang dagdagan ang mga pasilidad ng paaralan at ang mga kurso dito. Kinakailangan aniya munang aralin ang ganitong development upang sa huli ay hindi ang mga estudyante ang mahirapan.

“Siguro po magdadagdag pa po tayo ng mga facilities tapos mga courses na available which is aaralin pa naman po natin, lahat naman po aaralin ng mabuti dahil ayaw naman po natin na basta-bastahin natin para may masabi lang dahil ang magsa-suffer,” ayon kay Mark Alcala.

Ikinatuwa naman ng tatakbong Mayor dahil kinikilala na ang nasabing paaralan hindi lang sa Lungsod ng Lucena kundi pati narin sa buong Pilipinas.

“Ngayon po kasi nakakatuwa ang DLL kinikilala na po kasi sila hindi lang dito sa lucena, buong pilipinas po nakikilala,” ayon kay Mark Alcala.

Dagdag pa ni Alcala na isa sa mga nakakuha ng may pinakamataas sa board exam ay nagmula sa DLL. Kaya kinakailangan aniya na pagandahin pa ang DLL upang magkaroon pa ng mga ganitong klase ng estudyante.

“Katulad po ni Arwin, nagta-top 5 sa board kaya talagang nakakatuwa po nakakapag produce na tayo ng ganon so ‘yun po ang target natin sa kabataan na idevelop pa lalo ang school natin,” ayon kay Mark Alcala.

Sinabi naman ni Kuya Mark na kapag nakapagtapos na ang mga estudyante sa DLL ay maraming opportunities ang nag-iintay sa kanila.

“Dahil eventually kapag nakapagtapos po kasi sila sa DLL pag-aagawan na po agad sila ng mga kompanya,” ayon kay Mark Alcala.

Pin It on Pinterest