Mga nagpaparehistro sa Lucena City para makaboto sa SK, Barangay Election, kakaunti
Mahigit dalawang linggo matapos magsagawang muli ang Commission on Elections (COMELEC) ng voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakada gawin sa huling Lunes ng buwan ng Oktubre nananatiling kakaunti ang nakakapagparehistro.
Sa Lucena City batay sa tala ng Comelec, buhat nang simulan ang pagpaparehistro noong December 12, 2022 hanggang January 4, 2023, nakapagtala lamang sila ng 1,877 na mga bagong botante.
Matumal ang mga nagpapatala, kahit sa kanilang mga satelite voters registration.
“Sa ngayon po sa aming opisina, umaabot kami ng 200 registrant pero dito po ngayon sa mall medyo kakaunti po unlike last year na halos everyday umaabot tayo ng 500 ngayon po inaabot lang po kami ng 100 to 120 plus,” sabi ni Lucena City Comelec Officer Ana Mei Barbacena.
Nasa SM – Lucena City ngayon ang Lucena City Comelec para sa kanilang satellite voters registration, noong nakaraang dalawang linggo naggawa na rin sila nito sa Pacific Mall, subalit halos iilan lang ang nagpaparehistro.
Pasado alas-12:00 ng tanghali January 5, 2023, higit 50 pa lamang ang nakakapagparehistro sa SM.
Sabi ni Ms. Ana Mei Barbacena, Comelec Officer ng Lucena City, tila hindi pa yata interesado na makapagparestro para sa barangay election ang ilang hindi pa botante sa kabila ng maraming hindi nakapagparehistro noon nakaraang voters registration.
“Tila hindi pa yata nagmamadali ang mga botante, dati po kasi parang ang dami naming hindi na-cater, akala ko ito ‘yung opportunity para ulit sila magparehistro,” dagdag ni Barbacena.
Wala pang sampung minuto sa mall kanina maraming ang nakapagparehistro, mabilis ang naging proseso.
Magtatagal hanggang January 31 ng taong kasalukuyan, bukas sila Lunes hanggang kahit holiday mula alas 8:00 ng umaga hangang alas 5:00 ng hapon.
Patuloy naman ang panawagan ng ahensya sa mga hindi rehistrado na magparehistro na.
Sinabi ni Barbacena na magkakaroon din ng voters registration ang Lucena Comelec sa mga Person Deprived of Liberty, dadayo sila sa kulungan para sa voters registration ng mga PDL.
Hinihikayat ng Comelec na bisitahin ang kanilang website o social media page para sa ano mang impormasyon na may kaugnayan sa voters registration, makikita rin dito ang schedule nila sa para satellite registration.