Mga nanalong atleta ng Lucena City sa Batang Pinoy National Championship, tumanggap ng pagkilala sa SP Lucena
Tumanggap ng pagkilala mula sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena ang mga batang manlalaro ng Lungsod ng Lucena sa isinagawang regular na session ng Sangguniang Panlungsod ngayong araw ng Lunes, February 28 bilang pagkilala sa kanilang galing at husay sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan.
Ito’y matapos na mag-uwi ng karangalan at Gintong Medalya, Silver at Bronze sa naturang lungsod sa katatapos na Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Matatandaang noong February 20 isang resolusyon ang pinagtibay ng SP Lucena upang kilalanin at purihin ang mga batang atleta ng lungsod na nag-uwi ng karangalan at nasabing mga medalya.
“As I end this privilege speech, I would like to commend all our athletes, as Chairman of the Committee on Sports and Youth Development, I move to commend the above-mentioned name through Council Resolution and also separate commendation to DepEd Lucena City and City Sports Office, And I request, Mr. Presiding Officer for the inclusion in 1st and 2nd reading, subject to style”.
Nag-uwi ng limang gintong medalya sa larong swimming si Julian Louwers De Kam, tatlong gold at tatlong silver naman si Peter Cyrus Dean, tatlong gold, isang silver at bronze si Kristian Yugo Cabana, isang gold at isang silver si Zahjeed Isaac Sarmiento habang isang gold si Reinelle Jan Mikos Trinidad at tatlong silver kay Ashby Joyce Canlas.
Nasungkit naman ni Cloe Moira Zeta ang isang gold at dalawang bronze kay Lance Joseph Macatangay sa arnis.
Nagwagi naman ng gold medal si Rafael Sinohin sa Dance Sport, wagi naman sa silver medal sina Jimuel Roy Alcantara, Prince Jervin Oriola at Froilan Perillo sa Archery.