Pagbaba sa komunidad, Bahagi raw ng commitment sa tao ni Vice Governor Alcala
Bukod sa trabaho sa lehislatura bilang Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na pangunahing mandato bilang Bise Gobernador ng Lalawigan, bumababa rin sa komunidad si Quezon Vice Governor Anacleto Alcala III.
Sa exclusive interview ng Bandilyo. Ph sinabi ni Alcala III kasabay ng paghahatid ng mga assistance sa mga beneficiary ang pagbaba sa mga bayan-bayan ay paraan daw upang higit na malaman ang kalagayan ng mga taga Lalawigan at matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng isang ordinsa at ibang bagay.
“Aking sinasamantala rin na makaikot dahil ginagawa ko rin na paraan ito na making, maintindihan, nakakakuha ka ng puntos, ito pala ang kailangan nagiging magaan po ang trabaho ng Sanguninang Panlalawigan bilang Presiding Officer pati ng ating excutive kasi para kanang nagsusurvey na mismong naiintindihan mo, wala pang trabaho itong bayang ito, ito pala ang kulang dito ay pangisdaan kapag bumababa tayo sa bayan-bayan nagkakaroon tayo ng experience na kung baga nagfoformulate ka sa isip mo na maaring legislation na kinalaunan maipatupad sa bayang ito na mismo mong naranasan at nakita.”
Katuwang ni Governor Helen Tan, tumutungo ang Bise Alkalde sa mga Munisipalidad upang ibaba ang mga kinakailang tulong sa mamayan, lalo na sa Indigent family gaya ng Educational Assistance, Tulong Pangkabuhayan sa ilalim ng TUPAD Program, Assistance to Indibiduals in Crisis Situation at iba, nakikipagunay din sila sa iba’t ibang sektor ng probinsya upang alamin at tugunan ang mga hinaing ng mga ito.
Kamakalian dumalo si Alcala sa consultative meeting kasama ang mga fisherfolks sa bayan ng Infanta.
‘’It’s a dual aspect you conform your promise to the people na ilalapit natin ang pamahalaan o ‘yung ating kapitolyo na hindi na po pupunta pa sa Kapitolyo tulad po ng ibinababa nating mga programa sa bayan-bayan.”
Bahagi ng campaign promise ni Alcala noong siya’y nangangandidato palang, ang patuloy na pagbaba sa komunidad upang hindi lang maghatid ng serbisyo maging alamin ang pangagailan ng tao.
“Yun po ang ating commitment sa tao, ibaba, ilalapit, maramdaman ang ating pamahalaang panlalawigan.”