News

Ordinansa hinggil sa mga alpas na hayop sa San Andres, hindi aprubado sa SP Quezon

Hindi pumasa sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang ordinansa sa bayan ng San Andres, Quezon na nagtatakda ng parusa at pagbabawal sa mga alpas na hayop sa nasabing munisipalidad matapos na hindi makadalo ang proponent ng naturang ordinsa sa itinakdang komitibang pagdinig upang mabusisi at mapag-aralan ang kautusang ito sa bayang nabanggit.

Sinabi ni 4TH District Board Member Derick Magbuhos ang Chairman ng Committee on Peace and Order na may saklaw ang naturang ordinansa sa nasabing bayan na may mga nakapalaoob sa Kautusang Bayang ito bilang 08-2022, na nagtatakda ng mga alituntunin at patakaran hinggil sa pagbabawal sa mga alpas na mga hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing, kabayo, baboy, aso at pagbabawal sa pagtatali o paghuhulad sa malapit o sa tabi ng kalsada at pagpapataw ng mga kaparusahan at pagbabayad ng mga napinsala at kaukulang mga multa sa sinumang mahuhuli na mga lalabag dito sa naturang bayan na hindi naging malinaw sa itinakdang komitibang pagdinig dahil sa hindi pagdalo ng mga resource person.

‘’Dito po sa ordinansa nilang ginawa kung sakali po ang mga hayop ay makakaalpas at makakapinsala ng ano mang bagay o pananim ito po ay dadalhin sa kostudiya ng Munisipyo ngayon hanggang hindi nagkakaayos ‘yung nasalanta at ‘yung may ari ng hayop ay patuloy po na tumatara araw-araw ng isang daang piso ‘yung bayad sa paglinga ng hayop. Ayon po ating Provincial Attorney’s Office mahirap daw pong panghawakan yoong pag-aayos noong may ari ng lupa at may ari ng pananim at may ari ng hayop sapagkat kung hindi daw po magkakaayos ano daw po ang magiging hakbang ng ordinansa kung ito ay mananatili sa kostudiya ng Munisipyo sa 25 araw at lalabag na po tayo doon sa 2,500 na ceiling na ipapataw.”

Sa hindi pagkakadalo sa komitibang pagdinig ng proponent ng nasabing ordinansa upang ipaliwanag ang nakapaloob na ito sa kautusang bayan upang maging malinaw.

Iminungkanghi ni Bokal Magbuhos sa Plenaryo base sa desisyon ng komitiba na ibalik sa Sangguniang Bayan ng San Andres ang ordinansa at ideklarang invalid.

Isinagawa ng deliberasyon umaga ng Feb. 27, via online session

Pin It on Pinterest