News

Mga residente ng Barangay 1, sumailalim sa libreng konsultang medikal

Hindi bababa sa 200 residente ng Barangay Uno sa Lucena City ang libreng nakapagpacheck-up ng kanilang mga kalusugan at nakatanggap din ng libreng gamot.

Isa sa matiyagang naghintay para sa libreng konsultang medikal na ito si Nanay Nonalyn. Nang malaman niyang may medical mission, hindi siya nagdalawang isip na magpakonsulta.

“Mahalaga po sa atin ito para malaman po ang sakit sa ating katawan para maagapan at malunasan ito,” sabi ni Nanay Nonalyn.

Iba’t ibang serbisyong medikal ang inihandog sa mga residente gaya ng blood testing at iba pa. Isa-isa silang sinuri ng mga doctor, mayroon ditong pneumonia vaccines.

Hindi lang ‘yan may libreng salamin din sa mata, mayroon ding libreng gupit para sa mga residente.

Libre din ang meryenda at pananghalian ng mga residenteng nagpatingin ng kanilang mga kalusugan.

Sabi nila malaking bagay ang libreng konsultang medikal na ito lalo na sa panahon ngayon may kamahalan din daw kasi na pagtangin sa mga pribadong klinika at mangagamot.

“Malaking pong privilege sa nakakatulong sa mga tao na wala namang ibabayad”.

“Ang kayamanan ng bawat tao ay kalusugan,” ang sabi ni Kagawad Carmelo Fabie.

Ang medical mission ay handog ng pamilya ni Barangay Councilor Carmelo Fabie para sa mga residente ng kanilang komunidad.

Ika nga ng nasabing barangay official, ang kalusugan ay kayaman, dahilan upang ang kanilang pamilya ay magsagawa sa kanilang komunidad ng libreng serbisyong medikal.

“Alam naman po natin na ang medical mission ay mahalaga lalo na sa mga senior citizen. Kami ay nag-ambag-ambag ng akin pong mga kapatid para masagawa namin itong medical mission. Para mabigyan ko ang aking mga kabarangay ng ganitong uri ng libreng serbisyo,” Kgwd. Fabie.

Marami sa mga nagpakonsulta ay mga senior citizen.

Sabi ng ilang residente, mahalaga sa kanila na makapagpatingin ng kalagayan ng kanilang kalusugan kahit isang beses man lamang sa isang taon. Kaya ang mga ganitong programa para sa kalusugan ay hindi nila pinalalagpas ang pagkakataon.

“Makapagpacheck-up ka para malaman mo ang sakit mo”.

Ang libreng konsultasyon ay ginanap sa Fabie residence noong June 17, 2023.

Pin It on Pinterest